.........................................................................................................
Wag ng pigilan ang katotohanang Gutom ka! hanapin mo ng matagal na hinanakit ng tiyan mo. Ang mga simpleng katotohanan ng buhay kung bakit kailangan ng isang tao na maghanap-buhay, magtrabaho, gumawa ng "raket", mag-nakaw, mang Holdap, maging oportunista at sakim. Dahil ito sa matinding pangangailangan ng pera... at pag walang pera walang PAGKAIN!!
Di malawak ang Bisyon at Misyon ng pahinang to, para lamang ito sa mga kapusong Patay Gutom na nagkakalat ng ka-taohan nila sa ibat ibang lugar. Mapa Pilipinas ka man o ibang Lupa, tumubo ng UGAT mo d2 (Yes! Kuleet at Nap, Aym Pertayning tu da bowt op u). Sa uulitin Eksklusibo ito para sa mga PEE GEES.
Isusubo ng pahinang ito sa ibat-ibang istilo at konstrakto ang mga ninanais ng inyong tiyan. Ang maihahandang pagkain sa la mesa ay ang mga presentableng pangyayari na nakalipas o mailalahad palamang. May katabi din itong panulak na sinasabuo sa pamamagitan ng mga komento.
Eto ay panimulang Almusal na ipinapabahagi sa inyo ng "KooK"
Kung nais malaman ang mga pangyayari at balita sa Kusina subaybayan lamang ang langhap-sarap ng Luto na maihahanda ng ating mga "PG Partners". Maisasatupad ito ng pansamantala sa pamamagitan ng "Link" na maipopost ng mga "PG-Partners" kung maipasakailanman.
Maraming salamat sa pagsulyap sa pahina, nais ko na ngayong maki-kain sa kabilang tahanan.
PG Signing off.... This site is Underconstruction.